^

Police Metro

SUV sumalpok sa mixer truck: 4 katao patay

Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat na indibidwal ang nasawi habang tatlo ang nasugatan nang bumangga ang isang SUV sa cement mixer truck sa Brgy. Batinguel, Duma­guete City, Negros Oriental nitong Sabado.

Sa ulat ng Negros Oriental Police Provincial Office (NOPPO) spokesperson Lt. Stephen Polinar na itinago muna ang pagkakakilanlan ng apat na nasawi na lalaki, 45 na driver ng SUV at tatlong babaeng pasahero ng Toyota Avanza na ang isa ay 59-anyos na biyuda mula sa Tanauan, Batangas, isang 48-anyos mula sa Mandaluyong City; at isa ay mula sa Barangay Cembo, Makati City.

Kasaluyan namang naka-confine sa Siliman University Medical Center ang tatlong nasugatan na nasa edad 17, 15 at 19 na mula Mandaluyong City.

Sa imbestigasyon, binabagtas ng Avanza ang southbound lane ng kalsada, alas-4:00 ng madaling araw nang ito umano ay lumipat ng lane kaya’t nasalpok itong mixer truck na galing naman sa northbound direction sa pakurbang bahagi ng diversion road sa Barangay Batinguel na nagresulta sa pagkamatay noon din ng apat na biktima.

Nasa kustodiya naman ng pulisya ang 43-anyos na driver ng Barangay Tinago, Dumaguete City.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicides at multiple physical injuries ang truck driver.

vuukle comment

NEGROS ORIENTAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with