^

Police Metro

6 bata tinangkang dukutin nasagip, 2 arestado

Ludy Bermudo - Pang-masa
6 bata tinangkang dukutin nasagip, 2 arestado
Ang mga suspek na inilarawang 45-anyos na taxi driver at isang 47-anyos na lalaking kasabwat ay nakatakdang sampahan ng reklamong paglabag sa Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act). Isa sa suspek ang sinasabing ka-lugar
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Anim na batang residente ng Barangay Rosario sa Pasig City ang nasagip matapos na tangkaing dukutin umano ng naarestong dawalang suspek na sakay sa taxi, Biyernes ng gabi.

Ang mga suspek na inilarawang 45-anyos na taxi driver at isang 47-anyos na lalaking kasabwat ay nakatakdang sampahan ng reklamong paglabag sa Republic Act 7610  (Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act). Isa sa suspek ang sinasabing ka-lugar

o residente rin ng mga biktima.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, P/Major General Jose Melencio Nartatez Jr., naalar­ma ang mga tauhan ng Pasig City Police Station nang mapansin ang kahina-hinalang reaksyon ng mga batang sakay ng kulay puti na taxi, habang nagsasagawa ng “Oplan Sita” sa West Bank Road, alas-11:30 ng gabi kaya pinara ito. Nag-iiyakan umano ang mga batang sakay ng taxi kaya nila pinara.

Nang tawagan ng mga awtoridad ang mga magulang ng mga bata, hindi nila alam kung saan ang punta ng mga bata.

Pahayag ng mga biktima, niyaya sila na pupunta sa isang lugar para bilhan umano sila ng milk tea.

Nabatid na may blotter na rin sa kanilang barangay kaugnay sa abduction sa mga bata.

Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente habang ang dalawang suspek ay pinapigil sa police station.

vuukle comment

NCPRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with