^

Police Metro

2 bagong guided missile warship ng Philippine Navy inilunsad sa South Korea

Joy Cantos - Pang-masa
2 bagong guided missile warship ng Philippine Navy inilunsad sa South Korea
Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr..
Mong Pintolo

MANILA, Philippines — Inilunsad ng Pilipinas ang kauna-unahang dalawang guided missile corvettes na nasa ilalim ng P28 bilyong kontrata bilang dagdag  kapabilidad ng depensa ng Philippine Navy.

Pinangunahan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang paglulunsad sa South Korea ang dalawang bagong corvettes na ang isa ay may Hull Number FF-06 ay ipapangalan sa ika-19th Century Revolutionary General na nakipaglaban sa panahon ng Rebolusyon ng Pilipinas sa ilalim ng Espanya noong Philippine-American war.

Sinabi ni Teodoro, ang isa pang warship ay ipapangalan naman kay Miguel Malvar na may hull number PS-19. Ito ay ang World War II-vintage patrol craft ng PH Navy na nabili noong 1976 matapos ang 10 taong serbisyo sa Republic of Vietnam Navy at 20 taon naman ang serbisyo sa US Navy. Ang PS-19 ay nadekomisyon noong 2021.

Ayon kay Teodoro ang mga bagong missile corvette ay bahagi ng deal na nai-award sa Hyundai Heavy Industries (HHI) sa South Korea noong 2021 sa pamamagitan ng Philippine Navy’s Corvette Acquisition Program.

Pinasalamatan na rin ni Teodoro ang Seoul officials sa pagsuporta sa posisyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) kaugnay ng tumitinding harassment ng China.

Inihayag naman ng Philippine Navy na ang BRP Miguel Malvar ay inaasahang maide-deliver sa bansa sa 2025 habang ang ikalawa ay sa taong 2026.

vuukle comment

NAVY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with