34 milyong Pinoy makikinabang sa ‘Bigas 29’ ng NHA
MANILA, Philippines — Inihayag ng National Food Authority na nasa 34-milyong Pilipino o 6.9 pamilya ang makikinabang sa kanilang “Bigas 29” program na takdang ilunsad sa Metro Manila at piling mga lugar sa bansa.
Ang programa ay layong maibenta sa mga Kadiwa Centers ang imbak na bigas sa halagang P29 kada kilo.
“Initially po ito ay gagawin lamang sa mga piling lugar at mga KADIWA Centers natin. Pero ang sa amin naman pong pagpupulong sa Department of Agriculture (DA), ang intensyon po nito ay talaga po namang maging nationwide pero kailangan pong i-pilot muna sa mga KADIWA Centers,” sabi ni NFA administrator Larry Lacson.
Ang programang “Bigas 29” ay limitado lamang umano sa vulnerable sector tulad ng mga benepisyaryo ng conditional cash transfer program ng gobyerno, persons with disabilities, senior citizens at solo parents.
Tiniyak ng NFA na ang ibebentang lumang bigas ay maganda ang kalidad at dumaan sa mahusay na pagsusuri.
Sinabi pa ni Administrator Lacson na may sinusunod silang standard na kapag nakatatlong buwan ang bigas ay maaari itong mai-consider na aging stock pero ang tatlong buwang bigas aniya ay hindi old stock dahil sa papel lamang ang pagsasabi ng aging stock ang bigas.
- Latest