MANILA, Philippines — Simula sa buwan ng Hulyo ay ipapatupad ang libreng toll sa mga motorista na dadaan sa Manila Cavite Toll Expressway.
Ginawa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.ang anunsiyo sa groundbreaking ng Cavitex-Calax link at Cavitex C5 Link Segment 3B at inagurasyon ng pagbubukas ng Cavitex C5 link Sucat interchange.
Ito ay matapos irekomenda ng Philippine Reclamation Authority na nagsisilbing operator ng Cavitex na gawing libre ang paggamit sa kalsada sa buong buwan ng Hulyo sa lahat ng klase ng sasakyan.
Ayon sa Pangulo, bunga ang proyekto ng Private-Public Partnership projects ng PRA, Cavitex Infrastructure Corporation at Metro Pacific Tollways Corporation.
Tinataya naman na nasa 23,000 na motorista ang makikinabang araw-araw sa bagong kalsada.