China pagbabayarin sa mga baril na ninakaw, sinira ng Chinese Coast Guard - AFP
MANILA, Philippines — Hindi umano papayag si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., na hindi panagutan ng China ang ginawa ng Chinese Coast Guard (CCG) na pagnanakaw ng mga baril at paninira ng mga gamit sa pagkuyog sa kanilang mga sundalo.
Ayon sa AFP, pitong baril na Carbine AR19 ang ninakaw ng CCG at sinira rin umano nito ang mga equipment at makina ng rubber boat at pagbutas sa mga ito.
Pero hindi na idinetalye ni Brawner kung paano ang gagawin para mapabayad ang CCG basta’t ito umano ang magiging hakbang ng AFP sa ngayon.
Bagama’t walang katiyakan kung pananagutan ng China ang ginawa ng kanilang CCG lalo pa nga na bago pa man inilabas ng AFP ang mga video ng pag-atake at paghila ng rubber boat ng Philippine Navy ay sinabi na ng Beijing na naunang nambangga ang Navy kaya gumanti lang daw umano sila.
- Latest