MANILA, Philippines — Nadakip kahapon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong indibidwal na umano’y nasa likod ng hacking ng ilang government websites.
Isa sa mga suspek ay data officer ng isang media organization, isa ay cyber security researcher sa isang kompanya, at ang isa naman ay graduating student.
Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na kapwa miyembro ang tatlo ng hacking group na LulzSec.
Ayon sa ulat, nadiskubre ng NBI ang impormasyon tulad ng script at database ng local government units at iba pang government websites.
Kabilang ang Philippine Army, Philippine Navy, at ang National Security Agency sa websites na na-hack umano ng tatlo.
Nakuha ng mga otoridad ang datos at security credentials ng nasa limang bangko mula sa umano’y mga salarin.
Naghain na ng reklamong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 at sa Data Privacy Act of 2012 laban sa mga suspek.