MANILA, Philippines — Naniniwala si Mandaluyong Mayor Benjamin Abalos Sr. na inaasahan na niya na mangyayari ang pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte sa pwesto bilang Department of Education Secretary at Vice-Chair ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
“I have foreseen that,” ani Abalos nang tanungin kaugnay sa pagbibitiw ni VP Sara sa gabinete, sa idinaos na ‘MACHRA Balita
an’ ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) sa Harbor View Restaurant,kahapon.
Dahil aniya ito sa pagkakaiba ng kanyang ama at pamilya sa usapin ng pagpapatakbo ng gobyerno.
“Nakakaawa naman siya siyempre.Between your father and your family and your loyalty to the party, ‘yun ang nangyari sa kanya so, she has no alternative but to resign,” ani Abalos.
“Magkakaroon siyempre ng realignments although as a matter of fact, even without this, sigurado yan meron tayong realignments... temporary lang naman ang union nung nakaraan. Kitang-kita naman natin na me kanya-kanya. Ganyan naman talaga ang politics, no permanent friends or enemies,” paliwanag ni Abalos.