VP Sara nag-resign bilang DepEd secretary
MANILA, Philippines — Nagbitiw sa kanyang puwesto bilang Department of Education (DepEd) secretary si Vice President Sara Duterte-Carpio.
Inanunsiyo ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil na personal na nagtungo kahapon ang Bise Presidente sa Malacañang, alas-2:00 ng hapon para ibigay ang kanyang resignation letter.
Ayon kay Garafil, maliban sa pagiging miyembro ng gabinete, nagbitiw din si VP Duterte bilang vice chairman ng National Task Force-to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Tumanggi naman aniya ang bise presidente na tukuyin ang dahilan ng kanyang pagbibitiw.
Sinabi naman ni Garafil na tinanggap na ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagbibitiw ng Bise Presidente sa kanyang gabinete.
Pinasalamatan din ng kalihim si VP Duterte dahil sa kanyang serbisyo na epektibo ang pagbibitiw sa Hulyo 19, 2024.
- Latest