2 todas, 2 sugatan sa road crash

Kinilala ang mga nasawing sina Ruel Monsales, nasa hustong gulang at ang backrider ng isang motor na kinilala sa alyas Jay, nasa hustong gulang.
Illustrate by John Villamayor

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang katao habang dalawa ang nasugatan sa naganap na salpukan ng sasakyan sa kahabaan ng Antero Soriano Highway, Brgy. Malainen Bago, Naic, Cavite, kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawing sina Ruel Monsales, nasa hustong gulang at ang backrider ng isang motor na kinilala sa alyas Jay, nasa hustong gulang.

Dalawa ang nasugatan na kinilalang sina Vincent Kant Hallera, driver ng motor; at Edgardo Piedad, nasa hustong gulang driver naman ng itim na motorsiklo.

Sa ulat ng pulisya, alas-6:19 ng umaga ay binabaybay ng biker na si Monsales ang nasabing lugar at papatawid sa nasabing kalsada nang salpukin ng paparating na Kawasaki Ninja na minamaneho ni Hallera.

Pagkasalpok nito kay Monsales ay sumemplang ang motor at tumilapon ang angkas na si alyas Jay at patuloy ang motor sa pagtakbo at nasalpok ang paparating na motor na minamaneho ni Piedad.

Show comments