^

Police Metro

SC security officer nasa ‘hot water’ sa pangha-harass, pagbabanta sa PWD

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Galit at pagkadismaya ang naramdaman ng isang PWD o person with disability nang harasin at pagbantaan siyang hihilahin ng chief security ng Supreme Court nitong Martes ng umaga.

Sa panayam kay Monalie Dizon, 51, legal manager ng isang law firm, ikinagulat niya ang pagtrato sa kanya ng chief security na si alyas Jo sa loob mismo ng gusali ng SC kaugnay ng kanyang pina-follow-up na dokumento. Paglalahad ni Dizon, maayos siyang pumasok sa SC upang i-follow up sa 3rd Division ang isang petisyon sa kaso na kanilang hawak, subalit paulit-ulit umanong sinasabi ng alyas Tintin na wala pang resolution sa kanilang inihain na transfer of venue.

Kaya’t minabuti ni Dizon na magtungo sa opisina ng isang SC Justice at doon siya nilapitan at sinabihan umano ni alyas Jo na umalis na lang.

Sinabi ni Dizon kay alyas Jo na PWD siya at hindi maaaring maghagdan habang itinuro naman ng isang security ang elevator.

Dito na siya muling sinabihan ni alyas Jo ng “pag hindi ka sumama sakin, hihilahin kita papuntang security office”.

Kinuwestiyon ni Dizon ang nasabing chief security kung may pagkakamali o may iligal siyang ginawa at hindi makatao ang trato nito sa kanya.

Wala naman umano itong tugon at sa halip paulit-ulit lamang ang pagpapaalis sa kanya na kung saan maging ang kasamahang security ni alyas Jo ay nagulat sa umano’y inasal ng kanyang hepe.

Samantala, lumilitaw na ang petition for transfer of venue na inaasikaso ni Dizon ay Abril 1 pa naaprubahan.

vuukle comment

PWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with