3 katao todas sa araro ng trak

MANILA, Philippines — Tatlong katao ang nasawi kabilang ang isang mag-ina matapos na araruhin ng isang 10 wheeler trak ang apat na bahay kasunod nang pagbangga nito sa isang motorsiklo sa Purok 6, Barangay Bangal, Dinalupihan, Bataan, kamakalawa ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na nasawi noon din na sina Glenda Agustin, 50; at anak nitong si Roxanne Agustin, 28, residente ng Purok 5, at motorcycle rider na si Eunice Ann Gonzales, 26, kawani ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na papauwi na sana sa Barangay Rizal, Olongapo City.
Sa imbestigasyon, nawalan ng preno ang trak na minamaneho ni Billy Jo Villoria, 23, at bumangga sa motorsiklo na minamaneho ni Gonzales.
Pagkatapos nito ay dumiretso ang trak sa bahay kung saan natutulog ang pamilya Agustin.
Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang mga biktima na ikinamatay nila noon din.
Tumakas drayber ng trak habang nasa kustodiya naman ng Dinalupihan police ang helper.
- Latest