Number coding, suspendido sa Eid’l Adha
MANILA, Philippines — Suspendido muna ang pagpapatuapd ng “number coding scheme” para sa vehicular volume reduction sa Metro Manila sa Hunyo 17, habang ipinagdiriwang ng bansa ang Eid’l Adha, ayon sa inilabas na advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang Facebook page nitong Sabado.
Ang Eid’l Adha na idineklarang regular holiday ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa pamamagitan ng awtoridad ng Pangulo, sa Proclamation 579 na nagsasaad na ang Eid’l Adha ay isa sa dalawang pinakamalaking kapistahan ng Islam.
Sinabi nito na ang deklarasyon ng regular holiday ay ginawa sa rekomendasyon ng National Commission on Filipinos, batay sa 1445 Hijrah Islamic Lunar Calendar.
Sa ilalim ng number coding scheme, pinagbabawalan ang mga sasakyan sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi, depende sa huling digit ng kanilang mga plaka.
- Latest