MANILA, Philippines — Nasa P6.8 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa isinagawang buy-bust operation na nagresulta sa pagkaaaresto ng umano’y “big-time tulak” kahapon ng madaling araw sa Dagat-Dagatan, Calooocan City.
Sa report na tinanggap ni National Capital Region Police Office director PMaj. Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., nakilala ang suspek na si Albert Regpala alyas “Francis” na nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon kay Nartatez, dakong alas-12:26 ng madaling araw nang isagawa ang buy-bust operation sa Block 9 Lot 16, Tanigue St., Samatad Compound, Brgy. 14, Dagat-Dagatan, Caloocan City.
Nag-ugat ang anti-drug operation sa intelligence operation laban sa suspek ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng NPD.
Nakuha sa suspek ang nasa 924.5 gramo ng white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu na may standard drug price na P6,800,000. -