^

Police Metro

Big-time ‘tulak’ timbog sa P6.8 milyong shabu

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa P6.8 milyong halaga ng shabu ang nakum­piska ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa isinagawang buy-bust operation na nagresulta sa pagkaaaresto ng umano’y “big-time tulak” kahapon ng madaling araw sa Dagat-Dagatan, Calooocan  City.

Sa report na tinanggap ni National Capital Region Police Office director PMaj. Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., nakilala ang suspek na si Albert Regpala alyas “Francis” na nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay Nartatez, dakong alas-12:26 ng madaling araw nang isagawa ang buy-bust operation sa Block 9 Lot 16, Tanigue St., Samatad Compound, Brgy. 14, Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Nag-ugat ang anti-drug operation sa intelligence operation laban sa suspek ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng NPD.

Nakuha sa suspek ang nasa 924.5 gramo ng white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu na may standard drug price na P6,800,000. -

vuukle comment

NPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with