^

Police Metro

Peace Summit 2024 sa Quezon, matagumpay

Tony Sandoval - Pang-masa
Peace Summit 2024 sa Quezon, matagumpay
Binigyang pagkilala ni Gov. Helen Tan si Senator Francis Tolentino na nagsilbing guest speaker sa gi- nanap na Peace Summit 2024 sa lalawigan ng Que- zon kamakailan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Matagumpay ang ginanap na peace summit 2024 sa Quezon province at ang unang anibersaryo ng pagdedeklara ng insurgency free o Stable Internal Peace and Security (SIP) ng lalawigan.

Pinangunahan ni Quezon Governor Dra. Helen Tan ang ikalawang taon ng Quezon Province Peace Summit 2024 na dinaluhan ng mga lokal na opisyal at mula sa PNP-Region 4A at Armed Forces of the Philippines (AFP), kasabay na rin ng pagdiriwang sa ika-126 Independence Day ng Pilipinas.

Sa kanyang pahayag, nagpasalamat si Governor Tan sa PNP at AFP sa pagsuporta hanggang sa makamit nila ang kapayapaan sa kanilang lalawigan. Aniya, kung walang pagtutulungan mahirap na magdeklara na insurgency free ang lalawigan ng Quezon.

Naniniwala rin si Gov. Tan sa ngayon na sa loob ng isang taon na pagdedeklara ng stable internal peace and security, nararamdaman na ito ng kanyang mga kababayan subalit hindi maaaring tuldukan ito at gagawin pa rin nila ang kanilang mga nasimulang hakbang upang mapa­natili ang kapayapaan at pag-unlad sa kanilang lalawigan.

Kabilang sa dumalo sa summit bilang guest speaker si Senador Francis Tolentino kung saan pinuri nito si Gov. Tan dahil ang lalawigan ng Quezon ang isa sa mga naunang idineklarang “insurgency free” sa Pilipinas.

Iginiit ni Tolentino na ang ginawang Peace Summit 2024 ng Quezon ay hindi lamang para sa naturang lalawigan kundi para na rin sa kapayapaan sa buong Pilipinas na adhikain para sa kaunlaran, at katatagan sa kinabukasan ng mga mamamayan.

Kasabay ng okasyon, pinangunahan din ni Gov. Tan ang pagkakaloob sa 23 dating rebeldeng NPA na sumuko sa Quezon ng tig-P15,000 cash at livelihood assistance na may halagang P50,000.

SIP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with