MANILA, Philippines — Pinaplano na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang agarang pagpapauwi sa mga labi ng Pinoy na nasawi dahil sa sunog sa Kuwait.
Ayon sa OWWA, nakikipag-ugnayan na sila sa Embahada sa Kuwait para maiproseso ang mga papeles para sa agarang repatriation.
Kahapon nang kumpirmahin ng Department of Migrant Workers (DMW) na dahil sa smoke inahalation ang dahilan ng pagkamatay ng tatlong Overseas Filipino Workers (OFWs).
Sa kabila nito, siniguro naman ng OWWA na ang mga pamilya ng mga nasawi ang unang makakaalam kung kailan maiuuwi ang mga labi nito sa Pilipinas bago ipapaalam sa publiko.
Wala na rin dapat pang isipin ang mga kamag-anak ng biktima dahil sagot na ng pamahalaan ang gastusin sa pagpapauwi sa labi ng Pinoy.