MANILA, Philippines — Nasa 3,431 tonelada ng asupre ang iniluwa ng Bulkang Kanlaon sa Negros sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang ilang araw nang pagbaba ng aktibidad ng bulkan sa nagdaang araw, bukod sa pagluwa ng asupre ay nagtala rin ang bulkan ng 7 volcanic earthquakes at katamtamang pagsingaw na may 100 metrong taas na napadpad sa timog-kanlurang bahagi ng bulkan na kinakitaan din ng pamamaga.
Kaya’t patuloy na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng sinuman sa loob ng apat na kilometrong radius Permanent Danger Zone (PDZ) at paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa banta ng biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions sa bulkan.
Ang Bulkang Kanlaon ay nasa ilalim ng Alert Level 2 na nangangahulugan ng abnormal na kundisyon ng bulkan.