Mga Pinoy na lumalaban ng patas sa buhay kinilala ni Pangulong Marcos sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan
MANILA, Philippines — Kinilala at binigyang-pugay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pilipinong patuloy na lumalaban ng patas sa pang araw-araw na buhay.
Sinabi ng Presidente na ang tunay na diwa ng kalayaan ay makikita sa bawat Pilipinong matapang na lumalaban araw-araw.
Ito ang mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaugnay ng pagdiriwang ng ika-126 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan kahapon.
Sinabi ng Pangulo na mula sa pang-araw-araw na pakikibaka ng mga karaniwang Pilipino na masipag, matapang at malakas na humaharap sa mga hamon araw- araw ay dito siya nakakakuha ng inspirasyon.
Kasama rin sa kinilala ng Pangulo sa kanyang inilabas na mensahe ang katatagan ng mga kawal na Pilipino na aniyay patuloy na nagbibigay proteksiyon sa bawat pulgada ng ating teritoryo.
Taglay aniya ng mga ito ang matatag na paniniwalang ang mga Pilipino ay hindi kailanman magpapasakop sa pang-aapi ayon sa Pangulo.
Kasama rin sa binigyang pugay ng Pangulo ang mga magsasaka at mangingisda na siyang nagbibigay ng pagkain sa mga Pilipino gayundin ang dedikasyon ng mga guro na siya aniyang nagpapanday sa isipan ng mga susunod na henerasyon.

Gemma Garcia

- Latest