MANILA, Philippines — Nakiisa kahapon ang Act Agri-Kaagapay Organization, isang non-government organization na nagsusulong ng kapakanan ng maliliit na magsasaka, mangingisda, at Indigenous peoples (IPs) sa idinaos na “Parada ng Kalayaan 2024” sa Luneta Grandstand, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 126th anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.
Mismong si Act Agri-Kaagapay founder at president Virginia Ledesma Rodriguez, ang nanguna sa makulay na parada sa Luneta.
Kabuuang 800,000 miyembro sa buong bansa ay sumusuporta sa iba’t ibang agricultural programs ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., upang palakasin ang agricultural production sa pamamagitan ng organikong pagsasaka, modernong mga kagamitan sa pagsasaka at mas mababang presyo ng lahat ng agricultural products.
Si Ms. Rodriguez ay walang sawang bumibisita sa malalayong lalawigan at mga komunidad upang tumulong na mapataas ang kita ng maliliit na magsasaka at mabigyan ng pagkakakitaan ang mga kababaihan, sa pamamagitan nang paglikha ng mga programang pangkabuhayan, gaya ng “Gunting at Suklay” at produksiyon ng organikong pataba.
Si Ms. Rodriguez ay isang civic leader na nagsusulong ng konstruksiyon ng mas maraming farm to market road para sa mas madali at direktang maipagbili ng mga magsasaka ang kanilang mga produkto sa mga mamamayan.
Maaaring makita ang iba pang aktibidad ng ACT Agri-Kaagapay sa Facebook page na Queen Vi Rodriguez.