^

Police Metro

Lady prosecutor, todas sa ambush

John Unson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 54-anyos na babaeng prosecutor ang nasawi matapos tambangan ng isang lalaki habang pauwi sa bahay nito sa Barangay Aplaya, Digos City, Davao del Sur, kamakalawa ng hapon.

Namatay sa loob mismo ng kanyang puting Ford Raptor pick-up truck dahil sa tama ng bala sa ulo ang biktimang si Eleanor Polancos Dela Peña, na nakadestino sa bayan ng Malita sa Davao Occidental.

Sa ulat na nakarating kay Lt. Col. Florante Retes, hepe ng Digos City Police Station, alas-5:00 ng hapon ay minamaneho ni Dela Peña ang kanyang sasakyan pauwi sa kanyang tahanan nang pagbabarilin ng isang lalaking nakaabang sa kanya at mabilis na tumakas gamit ang motorsiklong Honda Click.

Natukoy agad ang suspek na half-brother ni Dela Peña na si Arnel Dela Peña, matapos magbigay ng pahayag ang anak ng biktima batay sa CCTV footage sa lugar kaya’t agad naaresto ng Digos City Police.

Narekober mula sa suspek ang sampung 12-gauge shotgun shells, 27 5.56mm live rounds, isang M16 rifle magazine, at helmet at jacket na ginamit sa krimen.

Tinitingnan ng pulisya na isa sa mga motibo ng krimen ay ang awayan sa lupa.

Ang biktima ay nagsilbing assistant provincial prosecutor ng Office of the Provincial Prosecutor sa Davao Occidental.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with