^

Police Metro

73-anyos na ginang na may-ari ng resort, pinatay ng dating empleyado

Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines — Natagpuang patay ang isang 73-anyos na ginang matapos hatawin ng flower vase sa ng kanyang sinibak na empleyado habang natutulog sa sofa sa kanyang bahay sa Barangay Durungao, Bauan, Batangas, kamakalawa.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Carmen Maranan, may-ari ng Maranan resort na matatagpuan sa Sitio Gintuan ng nasabing barangay.

Ayon sa pulisya na nadiskubre nitong Lunes ng alas-7:30 ng umaga ang bangkay ng biktima ng kanyang anak na si Jenny Cortez Maranan na nakadapa sa sofa na may nakapatong na flower vase sa ulo.

Ayon kay P/Lt. Reymond Matibag, Bauan chief investigator na ang krimen ay naganap sa loob ng Maranan Maranan noong Linggo ng gabi.

Sinabi ni Matibag na ang suspek ay isang alias Lando, dating nagtatrabaho sa resort na posib­leng pumatay sa biktima dahil sa may mga saksi na trabahador din sa resort na umalis ang suspek ng hatinggabi at nakunan siya ng close circuit  television camera nang ito ay pumasok sa compound.

Hinala ng pulisya na personal na galit at paghihiganti ang posibleng pagpatay matapos na sibakin ng biktima ang suspek may dalawang buwan na ang nakakalipas.

Ang dahilan ng pagkamatay ng biktima ay ang pagpalo ng flower vase sa ulo nito habang mahimbing na natutulog sa sofa.Nakatakdang kasuhan ng murder ang suspek na si alias Lando na kasalukuyang nagtatago.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with