^

Police Metro

Anak inutas, ina na negosyante dinukot

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Anak inutas, ina na negosyante dinukot
Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa MCU Hospital ay kinilalang si Christian Razon Ortega, ng Balintawak, Quezon City na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kaliwang sentido at kanang balikat.
STAR / File

MANILA, Philippines — Isang 40-anyos na lalaki ang binaril ng hindi pa nakikilalang mga suspek habang tinangay naman ang ina nito na isang negosyante kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa MCU Hospital ay kinilalang si Christian Razon Ortega, ng Balintawak, Quezon City na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kaliwang sentido at kanang balikat.

Habang dinukot naman ang inang si Gloria, 70 ng Brgy. Baesa, QC.

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nangyari ang insidente alas-2:45 ng madaling araw sa harap ng Lucas R Pascual Elementary School sa JR Pascual St., Brgy. Baesa, Quezon City.

Nabatid na minamaneho ni Christian ang Mistubishi L 300 sakay ang kanyang ina at binabagtas ang kahabaan ng JR Pascual St. nang harangin ng mga suspek.

Walang sabi-sabing pinagbabaril ng mga suspek si Christian at saka binitbit ang ina na isinakay sa isang get away vehicle na patungong Quirino Highway.

Sa pagsisiyasat ng SOCO team ay nakita ang apat  basyo ng bala ng baril sa crime scene.

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang motibo at suspek.

vuukle comment

KIDNAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with