Arrest warrant vs Quiboloy isinilbi sa Davao City

Pastor Apollo Quiboloy.
Sunshine Media

MANILA, Philippines — Isinilbi kahapon ng Philippine National Police’s Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang arrest warrant sa isang pro­perty ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Apollo Quiboloy sa Davao City.

Ayon sa ulat, isinilbi ng mga otoridad ang arrest warrant, pasado alas-5:00 ng umaga sa loob ng KOJC Dome sa Buhangin District.

Pinayagan ng legal counsel ni Quiboloy ang mga otoridad na papa­sukin ang apat na team na binubuo ng anim na tauhan upang suriin ang lugar.

Iniulat ng mga otoridad na naging mahirap ang pagsisilbi ng warrant dahil sa pagdagsa ng mga taga-suporta ni Quiboloy na naghihintay sa labas ng compound.

Nahaharap si Quiboloy sa mga kaso sa ilalim ng Section 5(b) ng Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act at sa ilalim ng Section 10(a) ng parehong act.

Inisyal na inihain ang mga kaso sa Davao, suba­lit pinayagan ito ng Sup­reme Court na mailipat sa isang korte sa Quezon City upang maiwasan ang “miscarriage” ng hustisya.

Nahaharap din si Quiboloy sa non-bailable Qualified Human Trafficking charge sa ilalim ng Section 4(a) ng Republic Act No. 9208, na inam­yendahan sa Pasig court. Itinanggi niya ang mga akusasyon laban sa kanya.

Show comments