Solon sa LGUs: Buwanang P1K allowance ng solo parents, ibigay na

Mother and baby.
Image by Public Co from Pixabay

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ni ACT-CIS at House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo ang mga local government units (LGUs) na buwanang ibigay ang P1,000 allowance ng mga solo parents na nakatira sa kanilang mga lugar.

Ayon kay Rep. Tulfo, na nakarating kanyang opisina mula sa ilang mga solo parents na hindi nakakarating ang buwanan na pagbibigay ng P1K ng LGU sa kanila lalo na ‘yung mga malalaki at maya­yamang mga lungsod o bayan.

Batay sa Expanded Solo Parent Welfare Act of 2922 o Republic Act 11861, dapat buwanang bibigyan ng P1,000 subsidiya ang mga low income solo parents.

“Ang sumbong kasi, nakatira sa mayamang lungsod dito sa NCR si solo parent pero P500 lang ang natatanggap niya at ito ay every ­other month pa,” ayon kay Cong. Tulfo.

“Malaking tulong kasi itong P1K monthly sa solo parent na kapiranggot ang sahod lalo pa’t nagmahal na ang mga bilihin ngayon,” ani Cong. Tulfo.

Ayon pa kay Tulfo, na dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) secretary, naiintindihan niya kung ‘yung mga mali­liit o mahihirap na bayan ay hindi maibigay ang buwanang subsidiya ng solo parent.

Pag-aaralan din ng naturang mambabatas kung papaano o saan kukuha ng pondo para sa solo parent ang mga mahihirap na LGU.

Show comments