Mga saksi at pamilya ng kinidnap na dalawang drug suspect may ‘death threat’

MANILA, Philippines — Humingi ng tulong sa mga otoridad ang pamilya kasama ang mga saksi sa kasong kidnapping ng dalawang drug suspect dahil sa takot sa kanilang buhay matapos silang makatanggap ng death threat mula sa hindi pa nakikilalang mga indibidwal.

Sa pagsasampa ng mga reklamong kriminal sa tanggapan ng piskal laban sa apat na pulis ng Calamba, noong nakaraang buwan, sinabi ni National Police Commission-Calabarzon director Owen De Luna, na ang mga saksi at miyembro ng pamilya ng mga kidnap-victims ay tumatanggap na ng mga banta.

Sinabi ni De Luna na agad silang nakipag-ugnayan sa kaukulang otoridad ng pulisya para mabigyan ng kinakailangang tulong at seguridad ang pamilya at mga saksi sa kasong kidnapping.

Aniya, ang hindi matukoy na bilang ng mga pulis na naatasang bantayan at protektahan ang mga miyembro ng pamilya at mga saksi.

Magugunita na sinampahan na ng kasong kidnapping at robbery sa city prosecutor’s office ang mga pulis na sina Capt. Nat, S/Sgt. Mal, Cpl. Cas at isang Patrolman Satur kaugnay ng umano’y pagkidnap sa dalawang drug suspect sa Calamba City, Laguna noong Enero 11.

Show comments