Higit P9 bilyong halaga ng ilegal na droga winasak sa Cavite

Ang sako-sako ng iba’t ibang uri ng droga na winasak sa pamamagitan ng paglusaw gamit ang Integrated Waste Management, Inc. na ginanap sa Barangay Aguado, Trece Martires City, Cavite.

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na mahigit sa P9 bilyong halaga ng ilegal na droga na nakumpiska sa iba’t ibang operasyon ang winasak sa Cavite.

Sinabi ng PDEA na sinira nito ang mga ilegal na droga sa pamamagitan ng thermal decomposition o thermolysis sa Integrated Waste Management Inc. sa Brgy. Aguado, Trece Martires City.

Kabilang sa mga winasak ay ang 1.2 tonelada ng shabu na nasamsam sa Batangas at iba pa mula sa iba’t ibang operasyon.

Ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya tulad ng Department of Justice, Department of the Interior and Local Government, PNP at mga lokal na opisyal ng Brgy. Aguado ay naroroon sa pagsira ng mga ilegal na droga.

Show comments