Missing na inmate sa NBP, nadiskubreng nagtatago sa ALS school
MANILA, Philippines — Nadiskubreng nagtatago ang isang person deprived of liberty (PDL) sa New Bilibid Prison (NBP) na una nang hindi matagpuan nitong Miyerkules.
Sa isinumiteng ulat kahapon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ni NBP Acting Supt. Corrections Chief Inspector Roger Boncales, ang PDL na si Jonathan Villamor na nakapiit sa Dorm 6A Medium Security Camp ay iniulat na nawawala, alas-4:00 ng hapon ng Miyerkules, sa isinagawang head count.
Agad na nagsagawa ng pagrikisa sa lahat ng pasilidad sa NBP compound hanggang sa matuklasan na nagtatago sa loob ng Ste Harry (dating Alternative Learning System-Basic Literacy Program ALS-BDP School) na nasa loob ng NBP MedSeCamp.
Dahil dito, iniutos ni Catapang sa lahat ng corrections officers na mag-inspeksyon kada-5 minuto lalo na sa mga nakatalaga na PDLs sa agricultural work.
- Latest