MANILA, Philippines — Inaasahan na ipatutupad muli ang price adjustment sa presyo ng produktong petrolyo sa darating na Martes.
Ito ay makaraang ianunsyo ng mga oil players na may pagbaba sa presyo ng gasolina nang 60 sentimos hanggang 90 sentimos kada litro pero tataas naman ang presyo ng diesel ng 40 sentimos hanggang 60 centavos per liter.
Samantala, magpapatupad ng taas-presyo sa keresone ng 75 sentimo hanggang 90 sentimo kada litro.
Sinasabing ang nagdaang apat na araw na presyuhan ng petrolyo sa merkado ang ugat ng panibagong price adjustment sa Martes.