Pangulong Marcos nabahala sa bagong polisiya ng China

President Ferdinand Marcos Jr. on March 13, 2024.
PPA Pool Photos by Yumie Dingding

MANILA, Philippines — Nabahala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa bagong patakaran ng China na hulihin ang sinuman na trespassers sa bahagi ng karagatan ng South China Sea.

Sa Kapihan with the media sa Brunei, na pinapalala ng China ang tensyon sa South China Sea dahil sa bagong inilabas na patakaran.

Sa kabila nito, sinabi pa ng pangulo na wala namang bago sa ginagawa ng China, subalit ang polisiya na may pagbabanta na ikukulong ang mga Filipino na mahuhu­ling trespassers ay iba na kundi magpapalala lang sa sitwasyon at nakakabahala.

Paliwanag naman ng pangulo na may ginagawang back channel na pag-uusap para pakalmahin ang sitwasyon.

Subalit, giit ng presidente kailangang mahin­to ang pagiging agresibo ng China tulad ng water cannoning, lasers, barrier putting at ang pagharang sa mga Pilipinong ma­ngingisda.

Show comments