BOQ naka ‘heightened alert’ vs FLiRT COVID-19 variants

An airport security guides visitors from China as they arrive at Ninoy Aquino International Airport in Paranaque, Metro Manila on January 24, 2023.
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Health (DOH) na naglabas ang Bureau of Quarantine (BOQ) ng memorandum na nag-aatas sa ahensya na magsagawa ng masusing screening sa COVID-19 at iba pang sakit.

Kinumpirma ni DOH Assistant Secretary Albert Domingo na hindi dapat maalarma ang publiko,dahil bahagi lang ito ng kanilang pagmamatyag sa pagpasok ng mga variant ng CO­VID-19 na KP2 at KP3,  na kabilang sa FLiRT COVID-19 variants.

Sa Bureau Memorandum No. 2024- 48 na may petsang Mayo 24, 2024, alinsunod sa kautusan ni Herbosa ay kailangang magsagawa ng masusing screening para sa mga sintomas ng coronavirus disease para sa mga arri­ving visitors mula sa mga bansang may naitalang COVID-FLirt variant.

Hinihikayat din ang publiko na sundin ang mga pangunahing health measures tulad ng madalas na paghuhugas ng kamay, pagsunod sa coughing etiquette, pag-iwas sa mga matataong lugar at pag-iwas sa mga taong may flu-like symptoms.

Pinapayuhan din ng mga DOH ang mga tra­vellers na kumpletuhin ang health questionnaire na available sa kanilang e-travel application.

Show comments