Taas-presyo sa produktong petrolyo arangkada ngayong araw

Motorist start filling up gas earlier before midnight along jp rizal nangka Marikina City as diesel and gas fuel price will go up.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Masamang balita ang hatid ng mga kompanya ng langis sa bansa sa mga motorista partikular na sa mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan dahil muling magpapatupad ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo na magiging epektibo ngayong araw.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad ng dagdag-presyo na P0.40 kada litro ng gasolina at diesel, habang nasa P0.30 naman ang dagdag-presyo sa kada litro ng kerosene na magiging epektibo alas-6:00 ngayong umaga.

May dagdag sa presyo ng mga nabanggit na produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) na ipatutupad ng alas-12:01 ng madaling araw habang ang CleanFuel naman ay magpapatupad ng alas-4:01 ng hapon.

Ang ipatutupad na dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod ng patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Matatandaan na nitong nakaraang Martes ay nagpatupad ng bawas-presyo na P0.10 sa kada litro ng gasolina habang may dagdag-presyo namang P0.25 sa kada litro ng diesel at P0.30 naman sa kada litro ng kerosene.

Show comments