^

Police Metro

Ex-ARMM Gov. Misuari, guilty sa graft

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinatulang guilty ng Sandiganbayan 3rd Division si dating Autonomous Region in Muslim Min­danao (ARMM) governor Nur Misuari at anim na iba pa sa dalawang bilang ng katiwalian kaugnay ng maanomalyang pagbili ng may P77 milyong halaga ng learning tools mula taong 2000 hanggang 2001.

Anim na taon hanggang walong taong pagkabilanggo sa bawat count ng kaso ang hatol ng Sandiganbayan laban sa mga akusado partikular kay Misua­ri na dumalo sa pagbaba ng sakdal ng graft court sa pamamagitan ng video conferencing.

Bukod sa kulong, ipinagbabawal din ng batas na makapuwesto si Misuari sa anumang posisyon sa gobyerno.

Ilan sa kapwa akusado ni Misuari sa kaso ang anim na sina Leovigilda Cinches, Pangalian Maniri, Sittie Aisa Usman, Alladin Usi, Nader Macagaan at Cristeta Ramirez.

Sa kasong ito, itinanggi ni Misuari na may kinalaman siya sa P77 milyong halaga ng pagbili ng mga learning tools dahil consummated na umano ito noon pang panahon ng kanyang successor na si  Parouk Hussin mula taong 2003 hanggang  2004.

Niliwanag din ni Misuari na dismiss ang kanyang kasong malversation of funds na patunay na walang ebedensiya na nagpapatunay sa anumang irregular transactions na nauugnay sa kanya.

Hindi naman ito kinilala ng graft court dahil sa nakitang ebidensiya na nagdidiin sa kanya sa maanomalyang pagbili ng textbook noong opis­yal pa ng pamahalaan.

ARMM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with