MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine Statistics Office (PSA) na nangunguna pa rin ang sakit sa puso bilang sanhi ng pagkamatay ng maraming mga Pilipino noong 2023.
Sa datos na inilabas ng PSA, mula Enero hanggang Disyembre 2023 ay umabot sa 112,789 ang bilang nang namatay dahil sa heart disease o katumbas ng 19% ng total deaths sa bansa.
Pumangalawa naman ang neoplasms o tumor na nagdulot ng 63,788 deaths (10.7% share). Pangatlo naman sa dahilan ng mortality death ng mga Pinoy ang cerebrovascular diseases kabilang ang stroke na nagdulot ng 59,829 deaths noong 2023.
Pasok din sa Top 5 na nangungunang dahilan ng pagkasawi sa bansa ng mga Pinoy ang sakit na diabetes at pneumonia.