^

Police Metro

Babaing miyembro ng CPP-NPA kulong ng 17 taon sa rebelyon

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinatulang guilty beyond reasonable doubt ng Taguig City Regional Trial Court Branch 266 ang isang babaing miyembro umano ng Communist Party of the Philippines - New People’s Army (CPP-NPA).

Sa 56 na pahinang desisyon sa inilabas na hatol noong Mayo 16, 2024 ni Taguig City Regional Trial Court (RTC) Branch 266 ni Judge Marivic C. Vitor, napatunayang guilty beyond reasonable doubt sa kasong rebel­yon si Maria Salome Crisostomo-Ujano at sinentensiyahan nang pagkakakulong ng 10 taon hanggang 17 taon at 4 na buwan.

Matatandaan na ina­resto si Ujano noong Nobyembre 14, 2021 ng kapulisan na nakasuot ng simpleng damit na hindi nagpakita ng anumang identification dahil umano sa kasong rebelyon na umano’y namuno sa serye ng pag-atake laban sa mga sundalo ng pamahalaan at communication facilities sa lalawigan ng Quezon noong 2005.

Ayon sa korte na nakilala umano ng testigo ng prosekusyon si Ujano sa nangyaring engkwentro noong 2005 kaya’t sinabi ng korte na hindi ito kumbinsido sa alibi ni Ujano na nasa iba siyang lugar nang mangyari ang pag-atake na hindi sinusuportahan ng malinaw at kapani-paniwalang ebidensiya.

Samantala, sinabi naman ng korte na bigo ang prosekusyon na patunayang umakto bilang lider ng NPA si Ujano nang mangyari ang engkwentro laban sa pwersa ng gobyerno at bigo ding mapatunayang si Ujano ang nag-utos sa ibang miyembro ng grupo.

Si Ujano ay isang executive director ng Women’s Crisis Center mula 2000 hanggang 2007 at naging national director ng Philippine Against Child Trafficking mula 2008 hanggang sa kasalukuyan.

CPP-NPA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with