Cessna plane bumagsak sa La Union, 2 sugatan

Ang bumagsak na 4 seater Cessna 172 na may registry number RP-C6933 sa San Fernando, La Union na kung saan ay nasugatan ang piloto at isa niyang pasahero matapos mag-emergency landing kahapon ng umaga.
CAAP

MANILA, Philippines — Isang Cessna 172 aircraft ang bumagsak sa karagatan malapit sa bayan ng San Fernando sa lalawigan ng La ­Union nitong Martes na ikinasugat ng dalawang pasahero.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (Caap), agad na tinawagan ng aircraft ang San Fernando Tower sa San Fernando Airport at nagdeklara ng emergency ilang sandali matapos lumipad.

Matapos ang ilang sandali, bumagsak na ang eroplano sa tubig. Inaalam pa rin ng mga imbestigador ang dahilan ng pagbagsak.

Show comments