Metro Manila Subway, fully operational na sa 2029
MANILA, Philippines — Magiging fully operational na ang Metro Manila Subway Project (MMSP) na kauna-unahang underground railway system sa bansa pagsapit ng 2029.
Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na sa kasalukuyan ay nasa 14% na ang physical progress ng proyekto.
Sinabi ng ahensiya na daraanan ng 33-kilometrong underground railway system ang walong local government units sa Metro Manila at tatlong central business districts.
Mayroon rin itong 8-car trainsets na kayang magsakay ng hanggang 2,200 pasahero kada tren.
Aabot din umano sa 80 kilometer per hour ang bilis ng takbo ng mga tren kaya’t kada limang minuto ang dating nito sa bawat istasyon.
Anang DOTr, ang MMSP ay isang expansive system na magiging interconnected sa Light Rail Transit Line 1 (LRT-1), Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), at MRT-7 sa Common Station, LRT-2 sa Anonas Station, at mayroong physical run sa NSCR-EX at FTI at Bicutan Stations.
“Passengers can board a subway train in North Avenue Station, and get off almost 100 kilometers away at the NSCR-EX’s Calamba Station without changing trains,” pagmamalaki pa ng DOTr.
- Latest