MANILA, Philippines — Sa isinagawang performance survey ng RP-Mission and Development (RPMD) Foundation ay lumabas na nanguna ang Tingog Partylist na pinamumunuan nina Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre.
Nagpasalamat si Acidre sa patuloy na pagkilala sa mga ginagawa ng Tingog Partylist upang mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino, lalo na ang mga mahihirap. Iniugnay ni Acidre ang tagumpay ng Tingog sa sama-samang hakbang ng mga opisyal at supporter nito para maisulong ang interes at kapakanan ng kanilang constituents.
Ayon sa non-commissioned survey na isinagawa mula Marso 18 hanggang 24, nakakuha ang Tingog Partylist ng 90.3 porsyento.
Tabla naman sa ikalawang puwesto ang Bicol Saro (87.8%), Ang Probinsyano (87.6%), Ako Bisaya (87.3%), Agimat (87.1%), at ACT-CIS (86.5%). Nasa ikatlong puwesto naman ang TGP (86.2%), at tabla sa ikaapat na puwesto ang Ako Bicol (85.1%), at ALONA (84.8%). Nasa ikalimang puwesto naman ang 4Ps (83.6%), Uswag Ilonggo (83.2%), at Marino (82.8%). Kinuha sa survey ang opinyon ng 10,000 respondents mula sa 67.75 milyong rehistradong botante sa bansa. Ang survey ay mayroong margin of error na +/-1% at confidence level na 95%.