3 bangkay umalingasaw sa bahay

Kinilala ng Las Piñas City Police station, ang mga biktima na sina Mary Jean Bula, Ave­llana, Human Resources (HR) personnel sa Easy Shop; Nathalie Jane Bula Cabintoy, 19, estudyante; Oliver Bula Bautista, 11, estudyante, pawang residente ng No. 2190 Saint Charles St., Saint Joseph Subdivision ng nasabing barangay.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tatlong nabubulok na bangkay kabilang ang isang menor-de-edad ang umalingasaw sa isang bahay sa Barangay Pulang Lupa Dos, Las Piñas City, noong Sabado ng hapon.

Kinilala ng Las Piñas City Police station, ang mga biktima na sina Mary Jean Bula, Ave­llana, Human Resources (HR) personnel sa Easy Shop; Nathalie Jane Bula Cabintoy, 19, estudyante; Oliver Bula Bautista, 11, estudyante, pawang residente ng No. 2190 Saint Charles St., Saint Joseph Subdivision ng nasabing barangay.

Naaresto sa isang fo­llow-up operation ang suspek na si Vincent Karagy, live-in partner umano ng biktimang si Mary Jean.

Nadiskubre lamang ang mga bangkay ala-1:34 noong Sabado ng hapon nang magtungo ang kapatid ng suspek na si Princess Rabanilla Kanagy, residente ng F10 Saint Matthew St., St. Joseph sa nasabing bahay dahil sa nakakasulasok na amoy.

Tinunton ni Princess kapatid ng suspek, kung saan nagmumula ang masangsang na amoy at nadiskubre sa silid ang tatlong bangkay.

Nakuha sa crime scene ang isang kumot na nakapulupot sa leeg ng biktimang si Mary Jean, isang kulay green na sandong pambata na nakuhang nakabusal sa bibig ni Nathalie Jane; isang sublimation shirt na may bahid ng dugo; isa pang t-shirt na puti na may bahid ng dugo, isang puting kurtina na may bahid ng dugo, bahagi ng isang putol na canvas na may bahid ng dugo; 2 scotch tape na nakagapos sa mga kamay at paa ng biktimang si Nathalie Jane, cutter knife; kahoy na may habang 56 sentimetro na napupuluputan ng polka dots na damit, na pinaniniwalaang murder weapon,

Nakunan din ng salaysay ng mga kapatid ng mga biktima at isang kapitbahay, na nagsabing huling nakita ang tatlo noong Mayo 15, 2024.

Nakatakda isalang sa inquest proceedings ang suspek na kinasuhan ng 3 counts of murder. Crime of passion ang isa sa tinitingnang motibo sa krimen.

Show comments