Promo ng mga establisimyento lusot sa Kamara

Bukod sa senior at PWD discount

MANILA, Philippines — Lusot sa ikalawang pagbasa ang House Bill 10312 na magbibigay ng karagdagang discount sa mga senior citizen at persons with disability (PWDs), bukod pa sa 20 percent at VAT exemption na natatanggap na nila ngayon.

Ayon kay ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo, “bukod sa nasabing discount at vat exemption, makukuha pa rin nila ang anumang discount o promotional offer ng establisimyento”.

“Halimbawa may 20 percent sale o promo ang tindahan o hotel o restaurant, dagdag pa ito sa diskwento nila at VAT exemption bilang mga senior at PWD”, pagli­linaw ni Tulfo.

Anang Deputy House Majority leader, “hindi naman malulugi ang mga establisimyento dito dahil maari nilang gamitin ang mga discount na ito bilang deductible sa buwis na babayaran nila”.

Pinamamadali na umano ni House Speaker Martin Romualdez ang pagpasa ng nasabing batas at umaasa si Cong. Tulfo na makakalusot ang HB 10312 sa Kongreso bago matapos ang taon at mapapakinabangan na ng mga senior at PWD ito.

Show comments