Solusyon sa pagpapababa sa presyo ng bigas, nahanap na – Pangulong Marcos Jr.

MANILA, Philippines — Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may nahanap nang solusyon ang gobyerno para mapababa ang presyo ng bigas sa pamilihan sa harapan ng hinihintay na paglusot sa Kongreso ng inamiyendahang Rice Tariffication Law.

Sinabi ng Pangulo na maganda ang takbo ng isinusulong na pag-amiyenda sa RTL, subalit ayaw aniyang panguhan ang bicameral committee .

“Mukhang mayroong magandang usapan ang House at saka ng Senado. Nakahanap na kami ng solusyon para makapag-import ang gobyerno para kaya natin pababain. Pagkamataas ang presyo ng bigas, magbebenta tayo ng mababa para sumunod ang merkado,” anang Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na mag-i-import pa din ng bigas ang pamahalaan at magiging bahagi ito ng hakbang para mapababa ang presyo ng nasabing commodity.

Gayunman, hindi masabi ni Pangulo kung anong ahensiya ang ma­ngangasiwa o hahawak sa importasyon para maga­mit na mapababa ang presyo ng bigas sa bansa.

Show comments