7 tripulanteng Chinese hinuli ng PCG

Sa inisyal na ulat, sinabi ni CDR Euphraim Jayson Diciano, commander ng PCG sub-station sa Zambales, ang MV Hyperlink 988 na nakarehistro sa Freetown, Sierra Leone ay pinigil sa bisinidad ng baybayin ng Barangay Sindol matapos magsagawa ng inspeks­yon ang PCG sub-station sa barko at natuklasan ang 21 deficiencies.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang merchant vessel (MV) na may sakay na pitong tripulante ng China ang pinigil ng Philippine Coast Guard (PCG) sa bayan ng San Felipe sa Subic, Zambales, kama­kalawa.

Sa inisyal na ulat, sinabi ni CDR Euphraim Jayson Diciano, commander ng PCG sub-station sa Zambales, ang MV Hyperlink 988 na nakarehistro sa Freetown, Sierra Leone ay pinigil sa bisinidad ng baybayin ng Barangay Sindol matapos magsagawa ng inspeks­yon ang PCG sub-station sa barko at natuklasan ang 21 deficiencies.

Sa inspeksyon, nalaman ng mga tauhan ng PCG na walang hard co­pies ng kinakailangang permit ang barko at iba pang dokumento kabilang ang listahan ng crew.

Ayon sa ship captain, ang destinasyon ng barko ay sa Manila anchorage.

“However, due to high anchorage fees, they chose the more affordable anchorage,” sabi ng local PCG sub-station.

Noong Mayo 15, nakatanggap ang PCG sub-station ng notification na isang unidentified vessel ang namataan na nagtataas ng watawat ng Pilipinas sa nasabing bayan.

Sa beripikasyon sa pamamagitan ng online marine application, nalaman na ang AIS (automatic identification system) ng barko ay patay kaya imposibleng makuha ang impormasyon nito.

Sinubukan din ng mga tauhan ng PCG na makipag-ugnayan sa mga tripulante ng barko sa pamamagitan ng radyo ngunit walang natanggap na tugon.

Show comments