Estudyante nadaganan ng jeep, patay

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang estudyante matapos madaganan ng pampasaherong jeep na kanyang sinasakyan habang anim ang nasugatan, naganap sa kahabaan ng natio­nal highway ng Zone-4, Brgy. Cabanbanan, Balatan, Camarines Sur, kama­kalawa ng umaga.

Ang biktima na nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ay kinilala sa pangalang “Frank”, first year college sa bayan ng Nabua. Habang anim na iba pa ang nasugatan.

Sa ulat, alas-10:00 ng umaga binabagtas ng pampasaherong jeep (EVA-865) ang kahabaan ng highway at nang pagdating sa lugar ay nawalan ito ng preno at gumewang-gewang.

Sa takot umano ay tumalon ang nakasabit na biktima dahilan para madaganan siya nang tumagilid ang jeep.

Show comments