MANILA, Philippines — Ilagay sa dashboard ang franchise document ng sasakyan upang makaiwas sa huli ng Land Transportation Office (LTO), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Philippine National Police (PNP) na siyang otorisadong manghuli ng mga unconsolidated PUVs.
Ito ang ipinaalala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga operator ng consolidated vehicles na.
Ang lahat naman ng records ng mga mahuhuling unconsolidated PUVs ay ibibigay naman ng LTO, MMDA at PNP.
Ang consolidation ng PUVs ay alinsunod sa Public Transport Modernization Program ng pamahalaan na nagtapos na noong April 30.
Ipinaalala pa ng LTFRB na ang mga apprehended PUVs ay may isang taong suspension sa driver at P50,000 fine sa operator ang sasakyan ay impounded ng 30 araw o isang buwan.