^

Police Metro

40 lugar sa bansa, makararanas pa rin ng mapanganib na lebel ng heat index

Angie dela Cruz - Pang-masa
40 lugar sa bansa, makararanas pa rin ng mapanganib na lebel ng heat index
People buy coconut water to cool themselves along a road in Manila on April 24, 2024, as extreme heat affected the country.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Iniulat ng PAGASA na nasa ilalim pa rin ng mapanganib na heat index ang 40 lugar sa bansa.

Batay sa heat index forecast ng PAGASA, pumalo sa hanggang 46°C ang heat index sa Dagupan City, Pangasinan; Pili, Camarines Sur, at Butuan, Agusan del Norte kahapon.

Ito ang maaaring maging pinakamataas na heat index na maitala sa araw na ito na pasok sa danger category kung saan maaaring mauwi sa heat cramps at heat exhaustion ang matagal na exposure sa init ng araw ang isang indibidwal.

Sa Metro Manila, nasa 41°C ang naitalang heat index sa Quezon City habang 42°C naman sa Pasay City.

Una nang sinabi ng PAGASA na bagama’t humihina na ang El Niño Phenomenon ay posibleng umiral pa rin ang epekto nito kabilang ang mainit at maa­linsangang panahon kaya’t dapat pa ring mag-ingat ang mamamayan lalo na kung lalabas ng tahanan.

HEAT INDEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with