^

Police Metro

10 LGUs sa NCR, pwede nang mag-isyu ng violation ticket

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na maaari nang mag-isyu ng violation ticket sa ilalim ng single-ticketing system (STS) ang mga traffic enforcer ng sampung local government units (LGUs) sa National Capital Region (NCR).

Kamakalawa ay na-deputized na ang mga traffic enforcer ng Malabon, Mandaluyong, Valenzuela, San Juan, Navotas, Parañaque, Pasay, Pasig at Quezon City at ang munisipalidad ng Pateros.

Ang deputization ng LGU traffic enforcers ay kasunod ng desisyon ng Korte Suprema kama­kailan na umaayon sa hurisdiksyon ng MMDA na i-regulate ang trapiko sa Metro Manila, ngunit ipinagbabawal ang mga LGU na mag-isyu ng sarili nilang traffic violation ticket sa pamamagitan ng STS.

Ang Korte Suprema ay nagpasya noong Marso na ang MMDA ay may eksklusibong otoridad na magpatupad ng mga batas trapiko, mga patakaran at regulasyon sa NCR at ang mga LGU ay maaari lamang lumahok sa mga naturang gawain kapag ang kanilang mga traffic enforcer ay na-deputize ng ahensya.

Ito’y sa pagbawi naman sa naunang desisyon ng Court of Appeals (CA)  na umaayon sa mga ordinansa sa trapiko ng mga LGU na nagpapahintulot sa pagkumpiska ng dri­ver’s license at pag-iisyu ng mga resibo ng paglabag sa ordinansa sa mga lumalabag na motorista.

Nauna nang sinabi ni MMDA Acting Chair Romando Artes na hindi na maghahain ang ahensya ng motion for reconsideration sa desisyon ng Korte Suprema ngunit maaaring gawin ito ng ibang LGUs.

NATIONAL CAPITAL REGION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with