DOTr, pinagkokomento ng SC sa jeep modernization

A fleet of modernized jeepneys, equipped with Euro 4 engines, remains idle at the San Juan Rosario Transport Service Cooperative terminal in San Juan City on January 8, 2024.
STAR/ Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inatasan din ang DOTr na magsumite ng komento sa apela ng PISTON na magpalabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa programa.

Matatandaang kama­kalawa ay nagdaos ang PISTON at Manibela ng kilos-protesta sa tanggapan ng Supreme Court  at muling inihirit ang apela nilang TRO upang ipatigil ang implementasyon ng programa.

Sa halip namang magpalabas ng TRO, inatasan ng hukuman ang DOTr na maghain ng kanilang komento hinggil sa petisyon.

Matatandaang mahigpit na tinututulan ng mga transport group ang franchise consolidation, na unang bahagi ng PUVMP. 

Ang deadline para sa naturang konsolidasyon ng prangkisa sa kooperatiba o korporasyon, ay nagtapos na noong Abril 30.

Nagbabala naman ang DOTr at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ikokonsidera na nilang kolorum ang mga jeepney na hindi nakatalima sa konsolidasyon na sisimulan nila ngayong Mayo 16.

Show comments