2 sundalo utas, 4 pa sugatan sa kidlat

Sa report ni Army’s 5th Infantry Division (ID) Commander Major Gen. Audrey Pasia, kinilala ang mga nasawi na sina Corporal Andrew Five Monterubio ng Gamu, Isabela; at PFc Inmongog Aronchay ng Sadanga, Mt. Province.
Pixabay

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang sundalo habang apat pa ang nasugatan makaraang tamaan ng kidlat habang nagsasagawa ng opensiba sa hangganan ng Western Uma, Brgys. Lubuagan at Balatoc sa bayan ng Pasil, Kalinga, kamakalawa.

Sa report ni Army’s 5th Infantry Division (ID) Commander Major Gen. Audrey Pasia, kinilala ang mga nasawi na sina Corporal Andrew Five Monterubio ng Gamu, Isabela; at PFc Inmongog Aronchay ng Sadanga, Mt. Province.

Nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga sugatang sina Sgt. Dennis Bananao ng Tanudan, Kalinga; Pfc Melvin Danggalan ng Paracelis, Mountain Province; Pfc Abegil Awingan ng Pinukpuk, Kalinga; at Pfc Riel Angya ng Pasil, Kalinga.

Sa ulat, alas-4:30 ng hapon, ayon kay Pasia habang makulimlim ang kalangitan, dumadagundong ang nakakabinging kulog kasunod ang pagkidlat sa  lugar at nagkataon namang nagsasagawa ng opensiba ang troopa ng Army’s 54th Infantry Battalion laban sa nalalabi pang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na namumugad sa lalawigan.

Posible umanong gumamit ng cellphone o radio ang naturang mga sundalo kaya hinagupit ang tropa ng kidlat.

Show comments