^

Police Metro

Ex-PDEA agent Morales, professional liar! – Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pang-masa
Ex-PDEA agent Morales, professional liar! â Pangulong Marcos
Actress Maricel Soriano answers questions from Sen. Ronald dela Rosa (top, left), chairman of the committee on public order and dangerous drugs, during yesterday’s hearing on the alleged leak of PDEA documents related to her and President Marcos’ purported involvement in illegal drugs. Also testifying was former PDEA agent Jonathan Morales (below, left), who claimed the documents were authentic.
Jesse Bustos

‘Gaya ng jukebox na hinuhulugan ng pera’

MANILA, Philippines — Tinawag na “professional liar” at inihalintulad sa jukebox ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., si dating Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA investigation agent Jonathan Morales na may kinalaman sa “PDEA leaks”.

Matatandaan na si Morales ang nag-aakusa kay Pangulong Marcos at sa aktres na si Maricel Soria­no na gumagamit umano ng iligal na droga, batay sa sinasabing nag-leak na dokumento noong 2012.

Sinabi ni Marcos sa isang ambush interview sa pagbisita nito sa General Santos City, na walang saysay ang mga pinagsasasabi ni Morales na kilalang “professional liar”.

Paliwanag ng Pangulo,  may mga kasong “false testimony” si Morales kaya mahirap na paniwalaan ito lalo na at tila ang pagsisinungaling din ang kaniyang ikinabubuhay.

Inihalimbawa rin ng presidente si Morales sa isang jukebox na huhulugan ng pera para kantahin kung ano ang gusto.

“Mahirap naman bigyan ng importansya ‘yan. You know, this fellow is a professional liar at parang jukebox ‘yan. Kung anong ihulog mo --- basta maghulog ka ng pera kahit anong kantang gusto mo, kakantahin niya. Kaya wala, wala... Walang saysay. Tingnan mo na lang ang kanyang record,” ayon pa kay Pangulong Marcos.

PDEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with