^

Police Metro

472 pulis sa Metro Manila, sinibak sa serbisyo

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na umaabot sa 472 pulis sa Metro Manila ang nasi­sibak sa serbisyo sa tuluy- tuloy na pagpapatupad ng internal cleansing. 

Sa pulong balitaan sa Camp Karingal, sinabi ni NCRPO chief PMaj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., na indikasyon ito ng kanilang pinaigting na kampanya upang mapanatili ang integridad at professionalism ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Nartatez, una sa mga natanggal sa serbisyo, 12 ang may kaugnayan sa iligal na droga.

May mga pulis din na may kasong AWOL o absent without official leave dahil sa hindi pagpasok ng 30 araw hanggang dalawang taon habang nasa higit 700 kaso rin ng mga pulis sa NCR ang nasuspinde o na-demote sa serbisyo.

“We also have a total of 1,226 personnel who are facing administrative cases. I have already gi­ven instruction for the fast resolution of the case but without sacrificing the due process,” ani Nartatez.

Sa kabuuan, nasa 2,500 na kasong may kaugnayan sa pulis ang naresolba na rin ng NCRPO kung saan kalahati rito ay absuwelto.

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with